7Ngunit may mga mananampalataya na hindi pa nakakaunawa nito. Ang iba sa kanilaʼy sumasamba noon sa mga diyos-diyosan, kaya hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan, iniisip nila na kasama rin silang sumasamba sa mga ito. At dahil mahina ang kanilang konsensiya, akala nilaʼy nagkakasala sila.
8Sapagkat ang pagkain ay hindi maglalapit sa atin sa Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kakain, at wala rin naman tayong mapapala kung kumain tayo.
9Ngunit kahit na malaya kayong kumain ng kahit ano, mag-ingat kayo dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkakasala ng mga mahihina ang konsensiya.
10Halimbawa, ikaw na tama ang pang-unawa ay kumakain sa templo ng mga diyos-diyosan at nakita ka ng kapatid mong mahina ang konsensiya. Hindi baʼt mahihikayat din siyang kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan?
11Dahil sa iyong tamang pang-unawa, napapahamak ang iyong kapatid na mahina ang konsensiya. Tandaan mo, alang-alang sa kanya ay namatay si Kristo.