5At kahit na sinasabi ng iba na may mga diyos sa langit at sa lupa, at marami ang mga tinatawag na mga diyos at mga panginoon,
6para sa atin iisa lamang ang Diyos, ang ating Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at nabubuhay tayo para sa kanya. At may iisang Panginoon lamang, si Hesu-Kristo. Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo ngayon.
7Ngunit may mga mananampalataya na hindi pa nakakaunawa nito. Ang iba sa kanilaʼy sumasamba noon sa mga diyos-diyosan, kaya hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan, iniisip nila na kasama rin silang sumasamba sa mga ito. At dahil mahina ang kanilang konsensiya, akala nilaʼy nagkakasala sila.
8Sapagkat ang pagkain ay hindi maglalapit sa atin sa Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kakain, at wala rin naman tayong mapapala kung kumain tayo.
9Ngunit kahit na malaya kayong kumain ng kahit ano, mag-ingat kayo dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkakasala ng mga mahihina ang konsensiya.