1 Mga Taga-Corinto 8

Dahil sa iyong tamang pang-unawa, napapahamak ang iyong kapatid na mahina ang konsensiya. Tandaan mo, alang-alang sa kanya ay namatay si Kristo.

1 Corinthians 8:11 (UKJV) And through your knowledge shall the weak brother perish, for whom Christ died?

9Ngunit kahit na malaya kayong kumain ng kahit ano, mag-ingat kayo dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkakasala ng mga mahihina ang konsensiya.

10Halimbawa, ikaw na tama ang pang-unawa ay kumakain sa templo ng mga diyos-diyosan at nakita ka ng kapatid mong mahina ang konsensiya. Hindi baʼt mahihikayat din siyang kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan?

11Dahil sa iyong tamang pang-unawa, napapahamak ang iyong kapatid na mahina ang konsensiya. Tandaan mo, alang-alang sa kanya ay namatay si Kristo.

12Kung nagkasala ka sa iba sa ganitong paraan at sinugatan mo ang mahihina nilang konsensiya, nagkasala ka rin kay Kristo.

13Kaya kung ang kinakain ko ay nagiging dahilan ng pagkakasala ng aking kapatid, hindi na lamang ako kakain nito kailanman, upang hindi magkasala ang aking kapatid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.