8Ang sinasabi kong ito ay hindi lamang opinyon ng tao, kundi itinuturo mismo ng Kautusan.
9Sapagkat nasusulat sa Kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik.” Ang mga baka lamang ba ang tinutukoy dito ng Diyos?
10Hindi. Maging tayo ay tinutukoy niya, kaya ito isinulat. Sapagkat ang nag-aararo at ang gumigiik ay umaasang makakabahagi sa aanihin.
11Nagtanim kami sa inyo ng mga espirituwal na pagpapapala. Kalabisan ba kung umani naman kami ng mga materyal na pagpapala sa inyo?
12Kung ang iba ay may karapatang tumanggap ng suporta mula sa inyo, hindi baʼt lalo na kami? Gayunpaman, hindi namin kailanman ginamit ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat para sa ganoon ay walang maging hadlang sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.