1 Mga Taga-Corinto 9

Kung ang iba ay may karapatang tumanggap ng suporta mula sa inyo, hindi baʼt lalo na kami? Gayunpaman, hindi namin kailanman ginamit ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat para sa ganoon ay walang maging hadlang sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.

1 Corinthians 9:12 (UKJV) If others be partakers of this power over you, are not we rather? Nevertheless we have not used this power; but suffer all things, lest we should hinder the gospel of Christ.

10Hindi. Maging tayo ay tinutukoy niya, kaya ito isinulat. Sapagkat ang nag-aararo at ang gumigiik ay umaasang makakabahagi sa aanihin.

11Nagtanim kami sa inyo ng mga espirituwal na pagpapapala. Kalabisan ba kung umani naman kami ng mga materyal na pagpapala sa inyo?

12Kung ang iba ay may karapatang tumanggap ng suporta mula sa inyo, hindi baʼt lalo na kami? Gayunpaman, hindi namin kailanman ginamit ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat para sa ganoon ay walang maging hadlang sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Kristo.

13Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay tumatanggap ng pagkain mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa altar ay tumatanggap din ng parte sa mga bagay na inialay sa altar?

14Sa ganito rin namang paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga tumanggap ng Magandang Balita ay dapat tumulong sa mga pangangailangan ng mga nangangaral ng Magandang Balita upang mabuhay sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.