5Wala ba kaming karapatang magsama ng asawang mananampalataya, tulad ng ginagawa ng mga kapatid sa Panginoon, ni Pedro, at ng iba pang mga apostol?
6Kami lang ba ni Bernabe ang kinakailangang magtrabaho para sa aming ikabubuhay?
7Mayroon bang sundalong siya pa ang gumagastos para sa kanyang paglilingkod? Mayroon bang nagtatanim na hindi nakikinabang sa mga bunga nito? At mayroon bang nag-aalaga ng kambing na hindi nakikinabang sa gatas nito?
8Ang sinasabi kong ito ay hindi lamang opinyon ng tao, kundi itinuturo mismo ng Kautusan.
9Sapagkat nasusulat sa Kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik.” Ang mga baka lamang ba ang tinutukoy dito ng Diyos?