1 Juan 2

Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang bagay sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala nila.

1 John 2:10 (UKJV) He that loves his brother abides in the light, and there is none occasion of stumbling in him.

8Sa kabilang banda, masasabi ko ring bago ang utos na ito dahil lumilipas na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. At ang katotohanang itoʼy nasaksihan sa buhay ni Kristo at maging sa inyo.

9Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit kinakamuhian naman ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin.

10Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang bagay sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala nila.

11Ngunit ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan sapagkat binulag siya ng kadilimang ito.

12Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.