1 Juan 2

Ngunit ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan sapagkat binulag siya ng kadilimang ito.

1 John 2:11 (UKJV) But he that hates his brother is in darkness, and walks in darkness, and knows not where he goes, because that darkness has blinded his eyes.

9Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit kinakamuhian naman ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin.

10Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang bagay sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala nila.

11Ngunit ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan sapagkat binulag siya ng kadilimang ito.

12Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.

13Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.