1 Juan 2

Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

1 John 2:13 (UKJV) I write unto you, fathers, because all of you have known him that is from the beginning. I write unto you, young men, because all of you have overcome the wicked one. I write unto you, little children, because all of you have known the Father.

11Ngunit ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan sapagkat binulag siya ng kadilimang ito.

12Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.

13Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

14Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala nʼyo na ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat matatag ang inyong pananampalataya. Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

15Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.