1 Juan 2

Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.

1 John 2:12 (UKJV) I write unto you, little children, because your sins are forgiven you for his name's sake.

10Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang bagay sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala nila.

11Ngunit ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan sapagkat binulag siya ng kadilimang ito.

12Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.

13Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

14Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala nʼyo na ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat matatag ang inyong pananampalataya. Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.