1 Juan 2

Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala nʼyo na ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat matatag ang inyong pananampalataya. Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

1 John 2:14 (UKJV) I have written unto you, fathers, because all of you have known him that is from the beginning. I have written unto you, young men, because all of you are strong, and the word of God abides in you, and all of you have overcome the wicked one.

12Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.

13Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

14Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala nʼyo na ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat matatag ang inyong pananampalataya. Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

15Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

16Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.