1 Juan 3

Huwag ninyong tularan si Cain, na kampon ng diyablo at pumatay sa kanyang kapatid. At bakit niya pinatay ang kanyang kapatid? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, at matuwid naman ang mga gawa ng kanyang kapatid.

1 John 3:12 (UKJV) Not as Cain, who was of that wicked one, and slew his brother. And wherefore slew he him? Because his own works were evil, and his brother's righteous.

10Ganito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: Ang sinumang hindi gumagawa ng tama o hindi nagmamahal sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.

11Sapagkat ito ang aral na narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya: Magmahalan tayo.

12Huwag ninyong tularan si Cain, na kampon ng diyablo at pumatay sa kanyang kapatid. At bakit niya pinatay ang kanyang kapatid? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, at matuwid naman ang mga gawa ng kanyang kapatid.

13Kaya huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung kinamumuhian kayo ng mundo.

14Alam nating iniwan na natin ang daang patungo sa kamatayan at lumipat na tayo sa daang patungo sa buhay, dahil minamahal natin ang ating mga kapatid kay Kristo. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kapwa ay nananatili sa daang patungo sa kamatayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.