12Huwag ninyong tularan si Cain, na kampon ng diyablo at pumatay sa kanyang kapatid. At bakit niya pinatay ang kanyang kapatid? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, at matuwid naman ang mga gawa ng kanyang kapatid.
13Kaya huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung kinamumuhian kayo ng mundo.
14Alam nating iniwan na natin ang daang patungo sa kamatayan at lumipat na tayo sa daang patungo sa buhay, dahil minamahal natin ang ating mga kapatid kay Kristo. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kapwa ay nananatili sa daang patungo sa kamatayan.
15Ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan.
16Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.