6Walang sinumang nananatili kay Kristo ang nagpapatuloy sa kasalanan. Sapagkat ang sinumang nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi nakakakilala sa kanya o nakakaunawa kung sino siya.
7Mga minamahal kong anak, huwag kayong magpalinlang kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng tama ay matuwid, tulad ni Kristo na matuwid.
8Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
9Ang mga anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan dahil nananatili sa kanila ang katangian ng Diyos. At dahil ang Diyos ang kanilang Ama, hindi na sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala.
10Ganito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: Ang sinumang hindi gumagawa ng tama o hindi nagmamahal sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.