1 Juan 3

Walang sinumang nananatili kay Kristo ang nagpapatuloy sa kasalanan. Sapagkat ang sinumang nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi nakakakilala sa kanya o nakakaunawa kung sino siya.

1 John 3:6 (UKJV) Whosoever abides in him sins not: whosoever sins has not seen him, neither known him.

4Ang lahat ng nagkakasala ay lumalabag sa Kautusan ng Diyos dahil ang kasalanan ay paglabag sa Kautusan.

5Alam ninyong si Kristo na walang kasalanan ay naparito sa mundo upang alisin ang ating mga kasalanan.

6Walang sinumang nananatili kay Kristo ang nagpapatuloy sa kasalanan. Sapagkat ang sinumang nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi nakakakilala sa kanya o nakakaunawa kung sino siya.

7Mga minamahal kong anak, huwag kayong magpalinlang kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng tama ay matuwid, tulad ni Kristo na matuwid.

8Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.