2Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo.
3Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
4Ang lahat ng nagkakasala ay lumalabag sa Kautusan ng Diyos dahil ang kasalanan ay paglabag sa Kautusan.
5Alam ninyong si Kristo na walang kasalanan ay naparito sa mundo upang alisin ang ating mga kasalanan.
6Walang sinumang nananatili kay Kristo ang nagpapatuloy sa kasalanan. Sapagkat ang sinumang nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi nakakakilala sa kanya o nakakaunawa kung sino siya.