1 Juan 4

Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.

1 John 4:16 (UKJV) And we have known and believed the love that God has to us. God is love; and he that dwells in love dwells in God, and God in him.

14Nakita namin at nagpapatotoo kami na isinugo ng Ama ang kanyang anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.

15Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos.

16Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.

17Sa ganito nagiging ganap ang pag-ibig sa atin: May kapanatagan tayo sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom dahil namumuhay tayong tulad ni Kristo sa mundong ito.

18Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan, at ipinapakita nito na hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.