1 Mga Hari 1

Pumunta si Natan kay Batsheba na ina ni Solomon, at nagtanong, “Hindi mo ba alam na ang anak ni Haguit na si Adonias ay ginawang hari ang sarili at hindi ito alam ni Haring David?

1 Kings 1:11 (UKJV) Wherefore Nathan spoke unto Bathsheba the mother of Solomon, saying, Have you not heard that Adonijah the son of Haggith does reign, and David our lord knows it not?

9Isang araw, pumunta si Adonias sa Bato ng Zohelet malapit sa En-rogel at naghandog siya roon ng mga tupa, mga baka, at mga pinatabang guya. Inimbita niya ang halos lahat ng kapatid niyang lalaki kay Haring David at ang halos lahat ng pinuno ng Juda.

10Pero hindi niya inimbita ang propetang si Natan, si Benaias, ang magigiting na bantay ng hari at si Solomon na kanyang kapatid.

11Pumunta si Natan kay Batsheba na ina ni Solomon, at nagtanong, “Hindi mo ba alam na ang anak ni Haguit na si Adonias ay ginawang hari ang sarili at hindi ito alam ni Haring David?

12Kung gusto mong maligtas ang buhay mo at ang buhay ng anak mong si Solomon, sundin mo ang payo ko.

13Puntahan mo si Haring David at sabihin mo sa kanya, ‘Mahal na Hari, hindi po baʼt nangako kayo sa akin na ang anak nating anak na si Solomon ang papalit sa inyo bilang hari? Bakit si Adonias po ang naging hari?’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.