1 Mga Hari 1

Isang araw, pumunta si Adonias sa Bato ng Zohelet malapit sa En-rogel at naghandog siya roon ng mga tupa, mga baka, at mga pinatabang guya. Inimbita niya ang halos lahat ng kapatid niyang lalaki kay Haring David at ang halos lahat ng pinuno ng Juda.

1 Kings 1:9 (UKJV) And Adonijah slew sheep and oxen and fat cattle by the stone of Zoheleth, which is by Enrogel, and called all his brethren the king's sons, and all the men of Judah the king's servants:

7Nakipag-usap siya kay Joab na anak ni Zeruias at sa paring si Abiatar tungkol sa balak niyang maging hari, at pumayag ang dalawa na tumulong sa kanya.

8Ngunit hindi pumanig sa kanya ang paring si Sadoc at ang propetang si Natan, pati si Benaias na anak ni Jehoiada, gayon din sina Simei at Rei at ang magigiting na bantay ni David.

9Isang araw, pumunta si Adonias sa Bato ng Zohelet malapit sa En-rogel at naghandog siya roon ng mga tupa, mga baka, at mga pinatabang guya. Inimbita niya ang halos lahat ng kapatid niyang lalaki kay Haring David at ang halos lahat ng pinuno ng Juda.

10Pero hindi niya inimbita ang propetang si Natan, si Benaias, ang magigiting na bantay ng hari at si Solomon na kanyang kapatid.

11Pumunta si Natan kay Batsheba na ina ni Solomon, at nagtanong, “Hindi mo ba alam na ang anak ni Haguit na si Adonias ay ginawang hari ang sarili at hindi ito alam ni Haring David?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.