1 Mga Hari 1

Ngunit hindi pumanig sa kanya ang paring si Sadoc at ang propetang si Natan, pati si Benaias na anak ni Jehoiada, gayon din sina Simei at Rei at ang magigiting na bantay ni David.

1 Kings 1:8 (UKJV) But Zadok the priest, and Benaiah the son of Jehoiada, and Nathan the prophet, and Shimei, and Rei, and the mighty men which belonged to David, were not with Adonijah.

6Hindi siya kailanman pinakialaman ng kanyang amang si David, at hindi sinaway sa kanyang mga ginagawa. Napakaguwapong lalaki ni Adonias at ipinanganak siyang kasunod ni Absalom.

7Nakipag-usap siya kay Joab na anak ni Zeruias at sa paring si Abiatar tungkol sa balak niyang maging hari, at pumayag ang dalawa na tumulong sa kanya.

8Ngunit hindi pumanig sa kanya ang paring si Sadoc at ang propetang si Natan, pati si Benaias na anak ni Jehoiada, gayon din sina Simei at Rei at ang magigiting na bantay ni David.

9Isang araw, pumunta si Adonias sa Bato ng Zohelet malapit sa En-rogel at naghandog siya roon ng mga tupa, mga baka, at mga pinatabang guya. Inimbita niya ang halos lahat ng kapatid niyang lalaki kay Haring David at ang halos lahat ng pinuno ng Juda.

10Pero hindi niya inimbita ang propetang si Natan, si Benaias, ang magigiting na bantay ng hari at si Solomon na kanyang kapatid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.