49Nang marinig ito ng mga bisita ni Adonias, tumayo silang takot na takot, at isa-isang umalis.
50Natakot din si Adonias kay Solomon, kaya pumunta siya sa toldang sambahan at humawak sa mga sungay na bahagi ng altar.
51May nagsabi kay Haring Solomon, “Natakot sa inyo si Adonias, at ngayoʼy nakahawak siya sa mga sungay na bahagi ng altar. Hinihiling niya na sumumpa kayong hindi nʼyo siya papatayin.”
52Sinabi ni Solomon, “Kung mananatili siyang tapat sa akin, hindi siya mapapahamak. Pero kung magtatraydor siya, mamamatay siya.”
53Pagkatapos, ipinakuha ni Haring Solomon si Adonias roon sa altar, at pagdating ni Adonias, yumukod siya kay Haring Solomon. Sinabi ni Solomon sa kanya, “Umuwi ka na.”