1 Mga Hari 1

Pagkatapos, ipinakuha ni Haring Solomon si Adonias roon sa altar, at pagdating ni Adonias, yumukod siya kay Haring Solomon. Sinabi ni Solomon sa kanya, “Umuwi ka na.”

1 Kings 1:53 (UKJV) So king Solomon sent, and they brought him down from the altar. And he came and bowed himself to king Solomon: and Solomon said unto him, Go to yours house.

51May nagsabi kay Haring Solomon, “Natakot sa inyo si Adonias, at ngayoʼy nakahawak siya sa mga sungay na bahagi ng altar. Hinihiling niya na sumumpa kayong hindi nʼyo siya papatayin.”

52Sinabi ni Solomon, “Kung mananatili siyang tapat sa akin, hindi siya mapapahamak. Pero kung magtatraydor siya, mamamatay siya.”

53Pagkatapos, ipinakuha ni Haring Solomon si Adonias roon sa altar, at pagdating ni Adonias, yumukod siya kay Haring Solomon. Sinabi ni Solomon sa kanya, “Umuwi ka na.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.