1 Mga Hari 10

Dumating siya sa Jerusalem kasama ang marami niyang tauhan, at may dala siyang mga kamelyo na kargado ng ibaʼt ibang uri ng pampabango, napakaraming ginto at mamahaling mga bato. Nang makita niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng gusto niyang itanong.

1 Kings 10:2 (UKJV) And she came to Jerusalem with a very great train, with camels that bare spices, and very much gold, and precious stones: and when she was come to Solomon, she communed with him of all that was in her heart.

1Nang marinig ng reyna ng Sheba ang pagiging tanyag ni Solomon, na nagbibigay karangalan sa Panginoon, pumunta siya kay Solomon upang subukin ang karunungan nito sa pamamagitan ng mahihirap na tanong.

2Dumating siya sa Jerusalem kasama ang marami niyang tauhan, at may dala siyang mga kamelyo na kargado ng ibaʼt ibang uri ng pampabango, napakaraming ginto at mamahaling mga bato. Nang makita niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng gusto niyang itanong.

3Sinagot ni Solomon ang lahat ng tanong niya at walang kahirap-hirap na ipinaliwanag niya anumang bagay.

4Nang mapatunayan ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon at nang makita niya ang ganda ng palasyo na ipinatayo nito,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.