1 Mga Hari 10

Nang marinig ng reyna ng Sheba ang pagiging tanyag ni Solomon, na nagbibigay karangalan sa Panginoon, pumunta siya kay Solomon upang subukin ang karunungan nito sa pamamagitan ng mahihirap na tanong.

1 Kings 10:1 (UKJV) And when the queen of Sheba heard of the fame of Solomon concerning the name of the LORD, she came to prove him with hard questions.

1Nang marinig ng reyna ng Sheba ang pagiging tanyag ni Solomon, na nagbibigay karangalan sa Panginoon, pumunta siya kay Solomon upang subukin ang karunungan nito sa pamamagitan ng mahihirap na tanong.

2Dumating siya sa Jerusalem kasama ang marami niyang tauhan, at may dala siyang mga kamelyo na kargado ng ibaʼt ibang uri ng pampabango, napakaraming ginto at mamahaling mga bato. Nang makita niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng gusto niyang itanong.

3Sinagot ni Solomon ang lahat ng tanong niya at walang kahirap-hirap na ipinaliwanag niya anumang bagay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.