26Nagpagawa rin si Haring Solomon ng mga barko sa Ezion-geber, malapit sa Elat na sakop ng Edom, sa baybayin ng Dagat na Pula.
27Nagpadala si Hiram ng mga bihasang mandaragat, kasama ng mga tauhan ni Solomon.
28Naglakbay sila kasama ng mga tauhan ni Solomon papuntang Ofir. At sa pagbalik nila, may dala silang 16 toneladang ginto, at dinala nila ito kay Haring Solomon.