1 Mga Hari 11

Maraming dayuhang babae ang inibig ni Haring Solomon. Bukod pa sa anak ng Faraon, may mga asawa pa siyang Moabita, Amonita, Edomita, Sidoneo at Heteo.

1 Kings 11:1 (UKJV) But king Solomon loved many strange women, together with the daughter of Pharaoh, women of the Moabites, Ammonites, Edomites, Zidonians, and Hittites:

1Maraming dayuhang babae ang inibig ni Haring Solomon. Bukod pa sa anak ng Faraon, may mga asawa pa siyang Moabita, Amonita, Edomita, Sidoneo at Heteo.

2Nagmula ang mga ito sa mga bansang tinukoy ng Panginoon sa mga Israelita nang sabihin niyang, “Huwag kayong makipag-asawa sa kanila dahil tiyak na hihikayatin nila kayong sumamba sa kanilang mga diyos-diyosan.” Ngunit umibig pa rin si Solomon sa mga babaeng ito, at ayaw niya silang iwan.

3May pitong daang asawa si Solomon na puro mga prinsesa, at may tatlong daan pa siyang asawang alipin. Ang mga asawa niya ang nagpalayo sa kanya sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.