1 Mga Hari 11

Nagmula ang mga ito sa mga bansang tinukoy ng Panginoon sa mga Israelita nang sabihin niyang, “Huwag kayong makipag-asawa sa kanila dahil tiyak na hihikayatin nila kayong sumamba sa kanilang mga diyos-diyosan.” Ngunit umibig pa rin si Solomon sa mga babaeng ito, at ayaw niya silang iwan.

1 Kings 11:2 (UKJV) Of the nations concerning which the LORD said unto the children of Israel, All of you shall not go in to them, neither shall they come in unto you: for surely they will turn away your heart after their gods: Solomon clave unto these in love.

1Maraming dayuhang babae ang inibig ni Haring Solomon. Bukod pa sa anak ng Faraon, may mga asawa pa siyang Moabita, Amonita, Edomita, Sidoneo at Heteo.

2Nagmula ang mga ito sa mga bansang tinukoy ng Panginoon sa mga Israelita nang sabihin niyang, “Huwag kayong makipag-asawa sa kanila dahil tiyak na hihikayatin nila kayong sumamba sa kanilang mga diyos-diyosan.” Ngunit umibig pa rin si Solomon sa mga babaeng ito, at ayaw niya silang iwan.

3May pitong daang asawa si Solomon na puro mga prinsesa, at may tatlong daan pa siyang asawang alipin. Ang mga asawa niya ang nagpalayo sa kanya sa Diyos.

4Nang tumanda na si Solomon, nahikayat siya ng kanyang mga asawa na sumamba sa mga diyos-diyosan. Hindi na naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ng ama niyang si David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.