1 Mga Hari 11

Hindi ko naman kukunin ang buong kaharian sa kanya, kundi magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”

1 Kings 11:13 (UKJV) Nevertheless I will not rend away all the kingdom; but will give one tribe to your son for David my servant's sake, and for Jerusalem's sake which I have chosen.

11Kaya sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo.

12Ngunit dahil sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang buháy ka pa. Gagawin ko ito sa panahon ng paghahari ng iyong anak.

13Hindi ko naman kukunin ang buong kaharian sa kanya, kundi magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”

14Pinahintulutan ng Panginoon na may kumalaban kay Solomon. Siya ay si Hadad na taga-Edom, na mula sa angkan ng isa sa mga hari ng Edom.

15Sa nakalipas na panahon, noong nakikipagdigma si David sa Edom, si Joab na kumander ng mga sundalo ni David ay pumunta roon sa Edom para ilibing ang mga namatay sa labanan. At nang naroon na siya, pinatay niya at ng mga tauhan niya ang lahat ng lalaki sa Edom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.