1 Mga Hari 11

Ngunit dahil sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang buháy ka pa. Gagawin ko ito sa panahon ng paghahari ng iyong anak.

1 Kings 11:12 (UKJV) Notwithstanding in your days I will not do it for David your father's sake: but I will rend it out of the hand of your son.

10Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumamba sa mga diyos-diyosan, hindi pa rin nakinig si Solomon sa utos ng Panginoon.

11Kaya sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo.

12Ngunit dahil sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang buháy ka pa. Gagawin ko ito sa panahon ng paghahari ng iyong anak.

13Hindi ko naman kukunin ang buong kaharian sa kanya, kundi magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”

14Pinahintulutan ng Panginoon na may kumalaban kay Solomon. Siya ay si Hadad na taga-Edom, na mula sa angkan ng isa sa mga hari ng Edom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.