1 Mga Hari 11

Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumamba sa mga diyos-diyosan, hindi pa rin nakinig si Solomon sa utos ng Panginoon.

1 Kings 11:10 (UKJV) And had commanded him concerning this thing, that he should not go after other gods: but he kept not that which the LORD commanded.

8Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga diyos-diyosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga diyos-diyosan nila.

9Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil tinalikuran niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang beses.

10Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumamba sa mga diyos-diyosan, hindi pa rin nakinig si Solomon sa utos ng Panginoon.

11Kaya sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo.

12Ngunit dahil sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang buháy ka pa. Gagawin ko ito sa panahon ng paghahari ng iyong anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.