7Sa isang burol sa gawing silangan ng Jerusalem, nagpagawa si Solomon ng sambahan para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Moabita at sambahan para kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Amonita.
8Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga diyos-diyosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga diyos-diyosan nila.
9Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil tinalikuran niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang beses.
10Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumamba sa mga diyos-diyosan, hindi pa rin nakinig si Solomon sa utos ng Panginoon.
11Kaya sinabi ng Panginoon kay Solomon, “Dahil hindi mo tinupad ang ating kasunduan at ang mga utos ko, kukunin ko sa iyo ang kaharian mo at ibibigay ko sa isa sa mga lingkod mo.