5Sumamba siya kay Astoret, ang diyosa ng mga Sidoneo, at kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Amonita.
6Ginawa ni Solomon ang masama sa mata ng Panginoon. Hindi siya sumunod nang buong katapatan sa Panginoon; hindi tulad ng ama niyang si David.
7Sa isang burol sa gawing silangan ng Jerusalem, nagpagawa si Solomon ng sambahan para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Moabita at sambahan para kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Amonita.
8Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga diyos-diyosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga diyos-diyosan nila.
9Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil tinalikuran niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang beses.