1 Mga Hari 11

Ginawa ni Solomon ang masama sa mata ng Panginoon. Hindi siya sumunod nang buong katapatan sa Panginoon; hindi tulad ng ama niyang si David.

1 Kings 11:6 (UKJV) And Solomon did evil in the sight of the LORD, and went not fully after the LORD, as did David his father.

4Nang tumanda na si Solomon, nahikayat siya ng kanyang mga asawa na sumamba sa mga diyos-diyosan. Hindi na naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ng ama niyang si David.

5Sumamba siya kay Astoret, ang diyosa ng mga Sidoneo, at kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Amonita.

6Ginawa ni Solomon ang masama sa mata ng Panginoon. Hindi siya sumunod nang buong katapatan sa Panginoon; hindi tulad ng ama niyang si David.

7Sa isang burol sa gawing silangan ng Jerusalem, nagpagawa si Solomon ng sambahan para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Moabita at sambahan para kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Amonita.

8Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga diyos-diyosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga diyos-diyosan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.