1 Mga Hari 11

Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga diyos-diyosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga diyos-diyosan nila.

1 Kings 11:8 (UKJV) And likewise did he for all his strange wives, which burnt incense and sacrificed unto their gods.

6Ginawa ni Solomon ang masama sa mata ng Panginoon. Hindi siya sumunod nang buong katapatan sa Panginoon; hindi tulad ng ama niyang si David.

7Sa isang burol sa gawing silangan ng Jerusalem, nagpagawa si Solomon ng sambahan para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Moabita at sambahan para kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Amonita.

8Nagpagawa rin siya ng simbahan ng mga diyos-diyosan ng lahat ng asawa niyang dayuhan at doon sila nagsusunog ng mga insenso at naghahandog para sa mga diyos-diyosan nila.

9Nagalit ang Panginoon kay Solomon dahil tinalikuran niya ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nagpakita sa kanya ng dalawang beses.

10Kahit binalaan na niya si Solomon na huwag sumamba sa mga diyos-diyosan, hindi pa rin nakinig si Solomon sa utos ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.