12Ngunit dahil sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang buháy ka pa. Gagawin ko ito sa panahon ng paghahari ng iyong anak.
13Hindi ko naman kukunin ang buong kaharian sa kanya, kundi magtitira ako ng isang angkan alang-alang sa aking lingkod na si David at dahil sa Jerusalem na aking hinirang na lungsod.”
14Pinahintulutan ng Panginoon na may kumalaban kay Solomon. Siya ay si Hadad na taga-Edom, na mula sa angkan ng isa sa mga hari ng Edom.
15Sa nakalipas na panahon, noong nakikipagdigma si David sa Edom, si Joab na kumander ng mga sundalo ni David ay pumunta roon sa Edom para ilibing ang mga namatay sa labanan. At nang naroon na siya, pinatay niya at ng mga tauhan niya ang lahat ng lalaki sa Edom.
16Anim na buwan silang nanatili roon. Hindi sila umalis hanggang sa mapatay nila ang lahat ng mga lalaki roon.