17Ngunit si Hadad, na bata pa noon ay tumakas papunta sa Ehipto kasama ng ibang mga opisyal na taga-Edom na naglingkod sa kanyang ama.
18Umalis sila sa Midian at pumunta sa Paran. At kasama ng ibang mga taga-Paran, pumunta sila sa Ehipto at nakipagkita sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Binigyan niya si Hadad ng bahay, lupa at pagkain.
19Nagustuhan ng Faraon si Hadad, kaya ibinigay niya ang hipag niya kay Hadad upang maging asawa nito, kapatid ito ng kanyang asawang si Reyna Tapenes.
20Nanganak ng lalaki ang asawa ni Hadad at pinangalanan nila itong Genubat. Si Tapenes ang nagpalaki sa bata roon sa palasyo. Tumira ang bata roon kasama ng mga anak ng Faraon.
21Nang naroon na si Hadad sa Ehipto, nabalitaan niya na patay na si David at si Joab na kumander ng mga sundalo. Sinabi ni Hadad sa Faraon, “Hayaan nʼyo na po akong umuwi sa aking bansa.”