1 Mga Hari 11

Umalis sila sa Midian at pumunta sa Paran. At kasama ng ibang mga taga-Paran, pumunta sila sa Ehipto at nakipagkita sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Binigyan niya si Hadad ng bahay, lupa at pagkain.

1 Kings 11:18 (UKJV) And they arose out of Midian, and came to Paran: and they took men with them out of Paran, and they came to Egypt, unto Pharaoh king of Egypt; which gave him an house, and appointed him victuals, and gave him land.

16Anim na buwan silang nanatili roon. Hindi sila umalis hanggang sa mapatay nila ang lahat ng mga lalaki roon.

17Ngunit si Hadad, na bata pa noon ay tumakas papunta sa Ehipto kasama ng ibang mga opisyal na taga-Edom na naglingkod sa kanyang ama.

18Umalis sila sa Midian at pumunta sa Paran. At kasama ng ibang mga taga-Paran, pumunta sila sa Ehipto at nakipagkita sa Faraon, ang hari ng Ehipto. Binigyan niya si Hadad ng bahay, lupa at pagkain.

19Nagustuhan ng Faraon si Hadad, kaya ibinigay niya ang hipag niya kay Hadad upang maging asawa nito, kapatid ito ng kanyang asawang si Reyna Tapenes.

20Nanganak ng lalaki ang asawa ni Hadad at pinangalanan nila itong Genubat. Si Tapenes ang nagpalaki sa bata roon sa palasyo. Tumira ang bata roon kasama ng mga anak ng Faraon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.