1 Mga Hari 11

May isa pang tao na pinahintulutan ng Diyos na kumalaban kay Solomon. Ito ay si Rezon na anak ni Eliada. Lumayas siya sa kanyang amo na si Haring Hadadezer ng Zoba,

1 Kings 11:23 (UKJV) And God stirred him up another adversary, Rezon the son of Eliadah, which fled from his lord Hadadezer king of Zobah:

21Nang naroon na si Hadad sa Ehipto, nabalitaan niya na patay na si David at si Joab na kumander ng mga sundalo. Sinabi ni Hadad sa Faraon, “Hayaan nʼyo na po akong umuwi sa aking bansa.”

22Nagtanong ang Faraon, “Bakit? Ano pa ba ang kulang sa iyo rito at gusto mo pang umuwi sa inyo?” Sumagot si Hadad, “Wala po; basta pauwiin nʼyo na lang po ako.”

23May isa pang tao na pinahintulutan ng Diyos na kumalaban kay Solomon. Ito ay si Rezon na anak ni Eliada. Lumayas siya sa kanyang amo na si Haring Hadadezer ng Zoba,

24at naging pinuno siya ng mga rebeldeng tinipon niya. Noong natalo ni David ang mga sundalo ni Hadadezer, pumunta naman si Rezon at ang mga tauhan niya sa Damasco. Sinakop nila ang lugar na ito at doon tumira.

25Naging hari si Rezon ng Aram, at kinalaban niya ang Israel. Naging kalaban siya ng Israel habang buháy pa si Solomon. Dinagdagan pa niya ang kaguluhan na ginawa ni Hadad sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.