1 Mga Hari 12

Hindi nga nakinig ang hari sa mga tao, niloob ito ng Panginoon upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.

1 Kings 12:15 (UKJV) Wherefore the king hearkened not unto the people; for the cause was from the LORD, that he might perform his saying, which the LORD spoke by Ahijah the Shilonite unto Jeroboam the son of Nebat.

13Ngunit hindi sinunod ni Haring Rehoboam ang ipinayo ng mga matatandang tagapayo. Sa halip, pinagsalitaan niya ng masasakit ang mga tao

14ayon sa ipinayo ng mga kababata niya. Sinabi niya sa kanila, “Mabigat ang ipinapatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.”

15Hindi nga nakinig ang hari sa mga tao, niloob ito ng Panginoon upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.

16Nang malaman ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa kanya, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo kay Jesse? Bahala ka na sa iyong kaharian, David! Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang mga Israelita.

17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang napamahalaan ni Rehoboam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.