1 Mga Hari 12

Nang malaman ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa kanya, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo kay Jesse? Bahala ka na sa iyong kaharian, David! Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang mga Israelita.

1 Kings 12:16 (UKJV) So when all Israel saw that the king hearkened not unto them, the people answered the king, saying, What portion have we in David? neither have we inheritance in the son of Jesse: to your tents, O Israel: now see to yours own house, David. So Israel departed unto their tents.

14ayon sa ipinayo ng mga kababata niya. Sinabi niya sa kanila, “Mabigat ang ipinapatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.”

15Hindi nga nakinig ang hari sa mga tao, niloob ito ng Panginoon upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.

16Nang malaman ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa kanya, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo kay Jesse? Bahala ka na sa iyong kaharian, David! Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang mga Israelita.

17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang napamahalaan ni Rehoboam.

18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang makipag-ayos sa kanila. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.