15Hindi nga nakinig ang hari sa mga tao, niloob ito ng Panginoon upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.
16Nang malaman ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa kanya, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo kay Jesse? Bahala ka na sa iyong kaharian, David! Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang mga Israelita.
17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang napamahalaan ni Rehoboam.
18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang makipag-ayos sa kanila. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.
19Hanggang ngayon, nagrerebelde ang mga Israelita sa mga angkan ni David.