1 Mga Hari 12

Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang makipag-ayos sa kanila. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.

1 Kings 12:18 (UKJV) Then king Rehoboam sent Adoram, who was over the tribute; and all Israel stoned him with stones, that he died. Therefore king Rehoboam made speed to get him up to his chariot, to flee to Jerusalem.

16Nang malaman ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa kanya, “Ano naman kasi ang kaugnayan natin kay David? May kinalaman ba tayo kay Jesse? Bahala ka na sa iyong kaharian, David! Halina kayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang mga Israelita.

17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang napamahalaan ni Rehoboam.

18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang namamahala sa sapilitang pagtatrabaho, upang makipag-ayos sa kanila. Ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.

19Hanggang ngayon, nagrerebelde ang mga Israelita sa mga angkan ni David.

20Nang mabalitaan ng lahat ng mga Israelita na nakauwi na si Jeroboam, ipinatawag nila siya sa isang pagtitipon at ginawa nila siyang hari sa buong Israel. Ang lahi lang ni Juda ang nanatiling tapat sa paghahari ng mga angkan ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.