10Kaya ibang daan ang dinaanan niya nang umuwi siya.
11Nang panahong iyon, may isang matandang propeta na nakatira sa Betel. Pinuntahan siya ng kanyang mga anak na lalaki at ibinalita ang lahat ng ginawa ng lingkod ng Diyos noong araw na iyon sa Betel. Ibinalita rin nila sa kanya kung ano ang sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari.
12Nagtanong ang kanilang ama, “Saan siya dumaan pauwi?” At sinabi nila kung saan dumaan ang propeta ng Diyos na mula sa Juda.
13Pagkatapos, sinabi ng kanilang ama sa kanila, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” Kaya inihanda nila ang asno; sumakay siya
14at hinabol ang lingkod ng Diyos. Inabutan niyang nakaupo ito sa ilalim ng punong terebinto. Tinanong niya ito, “Ikaw ba ang lingkod ng Diyos na galing sa Juda?” Sumagot siya, “Opo.”