12Nagtanong ang kanilang ama, “Saan siya dumaan pauwi?” At sinabi nila kung saan dumaan ang propeta ng Diyos na mula sa Juda.
13Pagkatapos, sinabi ng kanilang ama sa kanila, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” Kaya inihanda nila ang asno; sumakay siya
14at hinabol ang lingkod ng Diyos. Inabutan niyang nakaupo ito sa ilalim ng punong terebinto. Tinanong niya ito, “Ikaw ba ang lingkod ng Diyos na galing sa Juda?” Sumagot siya, “Opo.”
15Sinabi niya, “Halika sa bahay at kumain.”
16Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Hindi po ako maaaring bumalik at sumáma sa inyo, at hindi rin ako maaaring kumain o uminom kasama ninyo sa lugar na ito.