14at hinabol ang lingkod ng Diyos. Inabutan niyang nakaupo ito sa ilalim ng punong terebinto. Tinanong niya ito, “Ikaw ba ang lingkod ng Diyos na galing sa Juda?” Sumagot siya, “Opo.”
15Sinabi niya, “Halika sa bahay at kumain.”
16Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Hindi po ako maaaring bumalik at sumáma sa inyo, at hindi rin ako maaaring kumain o uminom kasama ninyo sa lugar na ito.
17Sapagkat inutusan ako ng Panginoon na huwag akong kumain ni uminom habang nandito ako at sa pag-uwi koʼy hindi ako dapat dumaan sa dinaanan ko papunta rito.”
18Sinabi ng matandang propeta, “Propeta rin ako na katulad mo. At inutusan ng Panginoon ang isang anghel para sabihin sa akin na dalhin kita sa bahay ko para makakain at makainom ka.” (Ngunit nagsisinungaling ang matanda.)