1 Mga Hari 13

Sinabi ng matandang propeta, “Propeta rin ako na katulad mo. At inutusan ng Panginoon ang isang anghel para sabihin sa akin na dalhin kita sa bahay ko para makakain at makainom ka.” (Ngunit nagsisinungaling ang matanda.)

1 Kings 13:18 (UKJV) He said unto him, I am a prophet also as you are; and an angel spoke unto me by the word of the LORD, saying, Bring him back with you into yours house, that he may eat bread and drink water. But he lied unto him.

16Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Hindi po ako maaaring bumalik at sumáma sa inyo, at hindi rin ako maaaring kumain o uminom kasama ninyo sa lugar na ito.

17Sapagkat inutusan ako ng Panginoon na huwag akong kumain ni uminom habang nandito ako at sa pag-uwi koʼy hindi ako dapat dumaan sa dinaanan ko papunta rito.”

18Sinabi ng matandang propeta, “Propeta rin ako na katulad mo. At inutusan ng Panginoon ang isang anghel para sabihin sa akin na dalhin kita sa bahay ko para makakain at makainom ka.” (Ngunit nagsisinungaling ang matanda.)

19Kaya sumáma sa kanyang bahay ang lingkod ng Diyos, kumain at uminom siya roon.

20Habang nakaupo sila sa mesa, may sinabi ang Panginoon sa matandang propeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.