1 Mga Hari 13

Kaya sumáma sa kanyang bahay ang lingkod ng Diyos, kumain at uminom siya roon.

1 Kings 13:19 (UKJV) So he went back with him, and did eat bread in his house, and drank water.

17Sapagkat inutusan ako ng Panginoon na huwag akong kumain ni uminom habang nandito ako at sa pag-uwi koʼy hindi ako dapat dumaan sa dinaanan ko papunta rito.”

18Sinabi ng matandang propeta, “Propeta rin ako na katulad mo. At inutusan ng Panginoon ang isang anghel para sabihin sa akin na dalhin kita sa bahay ko para makakain at makainom ka.” (Ngunit nagsisinungaling ang matanda.)

19Kaya sumáma sa kanyang bahay ang lingkod ng Diyos, kumain at uminom siya roon.

20Habang nakaupo sila sa mesa, may sinabi ang Panginoon sa matandang propeta.

21Kaya sinabi ng matandang propeta sa lingkod ng Diyos na galing sa Juda, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Nilabag mo ang utos ng Panginoon na iyong Diyos; hindi mo sinunod ang iniutos niya sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.