1 Mga Hari 13

Kaya sinabi ng matandang propeta sa lingkod ng Diyos na galing sa Juda, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Nilabag mo ang utos ng Panginoon na iyong Diyos; hindi mo sinunod ang iniutos niya sa iyo.

1 Kings 13:21 (UKJV) And he cried unto the man of God that came from Judah, saying, Thus says the LORD, Forasmuch as you have disobeyed the mouth of the LORD, and have not kept the commandment which the LORD your God commanded you,

19Kaya sumáma sa kanyang bahay ang lingkod ng Diyos, kumain at uminom siya roon.

20Habang nakaupo sila sa mesa, may sinabi ang Panginoon sa matandang propeta.

21Kaya sinabi ng matandang propeta sa lingkod ng Diyos na galing sa Juda, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Nilabag mo ang utos ng Panginoon na iyong Diyos; hindi mo sinunod ang iniutos niya sa iyo.

22Iniutos niya sa iyo na huwag kang kakain at iinom sa lugar na ito, pero bumalik ka rito at kumain at uminom. Dahil sa ginawa mo, ang bangkay mo ay hindi ililibing sa libingan ng mga ninuno mo.’ ”

23Nang matapos kumain at uminom ang lingkod ng Diyos, inihanda ng matandang propeta ang asno para sa pag-uwi nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.