31Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Diyos, at pagtabihin ninyo kami.
32Dahil ang mga salita na sinabi ng Panginoon sa kanya tungkol sa altar sa Betel at sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria ay siguradong matutupad.”
33Kahit nangyari ang mga ito, hindi pa rin nagbago si Jeroboam sa kanyang masasamang gawa. Pumili pa rin siya ng mga taong maglilingkod bilang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar. Kahit sinong gustong maglingkod bilang pari ay inordinahan niya.
34Ang kasalanang ito ni Jeroboam ang naging dahilan ng lubusang pagkaubos ng kanyang angkan sa balat ng lupa.