1 Mga Hari 13

Dahil ang mga salita na sinabi ng Panginoon sa kanya tungkol sa altar sa Betel at sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria ay siguradong matutupad.”

1 Kings 13:32 (UKJV) For the saying which he cried by the word of the LORD against the altar in Bethel, and against all the houses of the high places which are in the cities of Samaria, shall surely come to pass.

30Inilibing niya ito sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili at ipinagluksa ng mga tao ang pagkamatay ng lingkod ng Diyos at sinabi, “Kapatid ko, bakit mo kami iniwan!”

31Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Diyos, at pagtabihin ninyo kami.

32Dahil ang mga salita na sinabi ng Panginoon sa kanya tungkol sa altar sa Betel at sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria ay siguradong matutupad.”

33Kahit nangyari ang mga ito, hindi pa rin nagbago si Jeroboam sa kanyang masasamang gawa. Pumili pa rin siya ng mga taong maglilingkod bilang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar. Kahit sinong gustong maglingkod bilang pari ay inordinahan niya.

34Ang kasalanang ito ni Jeroboam ang naging dahilan ng lubusang pagkaubos ng kanyang angkan sa balat ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.